ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang varayti ng wika na ginamit ng mga
mag-aaral at guro sa Twitter, Facebook at Messenger (TWIFAME). Sinikap sagutin sa pag-aaral
ang mga suliranin: (1) Anong varayti ng wika ang ginamit ng mga mag-aaral at guro sa
TWIFAME? (2) Anong varayti ng wika ang kadalasang ginamit ng mga mag-aaral at guro sa
TWIFAME? (3) Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa varayti ng wikang ginamit ng mga
mag-aaral at guro sa TWIFAME?
Deskriptibo o palarawang pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang mga mensaheng
ipinadala o kaya’y forwarded funny messages sa TWIFAME ay masusing tinignan, inuri at inalisa
ito batay sa varayti ng wikang ginamit ng mga mag-aaral at guro.
Natuklasan sa pag-aaral, na dahil sa patuloy na pagdami ng mga taong gumamit ng social media
na mula sa iba’t ibang pangkat ng tao, iba-iba rin ang varayti ng wikang ginamit sa mga post sa
TWIFAME. Ang mga ito ay paggamit ng code-mixing, code-switching, dayalek, ekolek,
eyufemismo, idyolek, istandard na wika, sosyolek at ang taboo.
Dahil dito, masasabing ang resulta ng kaalaman ng mga gumamit o user at paggamit hindi lamang
ng kanilang unang wika kung hindi maging ang kanilang pangalawang wika. Ang varayti ng wika
sa mga post sa TWIFAME ay nagpapatunay lamang na tunay na dinamiko ang wika sapagkat ito
ay nagbabago. Malaki ang impluwensya o papel ng lipunan at ng social media sa pag-usbong ng
mga varayti. Kaya, kailangang bigyang-pansin ang mga kaganapang pangwika, ang pagbabago ng
wika sa mga post sa TWIFAME bilang bagong kaparaanan ng bawat indibidwal sa paglalahad ng
mga saloobin o damdamin