SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Kasiyahan Sa Pagkatuto Ng Mga Mag-Aaral Ng Senior High School Gamit Ang Modular Distance Learning

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

RIZZA R. SANCHEZ



ABSTRACT

—Iminungkahi ng pag-aaral na ito ang kasiyahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang modular distance learning sa panahon ng pandemya. Ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib upang mailarawan ang resulta ng suliraning inilahad sa unang kabanata na kung saan tinukoy at inilarawan ang antas ng kasiyahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang modular distance learning. Kaya naman palarawan o deskriptib na pananaliksik ang ginamit, sapagkat ang ganitong pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa isang paksa. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral ng Senior High School sa munisipalidad ng Balungao. Buhat sa nakuhang resulta sa kasiyahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang modular distance learning ay nakakuha ng 3.07 na kabuoang numerikal na katumbas. Lumabas din sa pag-aaral na walang makabuluhang ugnayan ang profayl at antas ng kasiyahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. At mula naman sa resulta ng salik na nakakaapekto sa kasiyahan sa pagkatuto ng mag-aaral, mayroong apat (4) na suliranin na bahagyang nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral. Ito ang mga sumusunod na suliranin 1 – walang paggabay sa pagsagot ng mga modyul, na may nangangahulugang numerikal na katumbas na 1.94, suliranin 4 – walang internet access na gagamitin sa pagsagot ng modyul na may numerikal na katumbas na nangangahulugang 1.94, at suliranin 9 – maraming gawaing bahay ang balakid sa pagsagot sa modyul na may numerikal na katumbas na 1.80. Samakatuwid, ang suliranin 2 – walang tamang oras sa pagsagot ng modyul, suliranin 5 – walang paggabay ng guro sa pagsagot ng modyul, suliranin 6 – kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng internet, suliranin 7 – kawalan ng interes sa pag-aaral, suliranin 8 – limitadong kaalaman ng mag-aaral sa mga paksa na nasa modyul, at suliranin 10 – may impluwensya ang barkada sa pagsagot ng modyul ay hindi nakaaapekto sa kasiyahan ng mga mag-aaral sa pagkatuto.