SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Ang Wagayway ng Kabihasnan sa Mindanaw at Sulu (The Waves of Empire in Mindanaw and Sulu)

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

SITTI HUSNA J. AHAMAD, LPT, MA



ABSTRACT

——Ang papel na ito ay nagninilay sa personal, politikal, at akademikong danas sa isla rehiyon ng Mindanaw at karatig na arkipelago ng Sulu. Minamapa ang mga kasaysayan at naratibo na kakabit ng kolonyalismo – mula sa naganap na Bud Dajo massacre na pumatay sa halos 600 hanggang 1000 Moro hanggang sa Jabidah massacre noong 1968 at hanggang sa kasalukuyang panahon ng neoliberalismo – na nagbibigay hulma sa naiwang bakas, marka, at latay na dumadaloy at umaagos bilang alon ng imperyo sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong nilukob. Sa huli, sa pamamagitan ng isang maikling pelikula mula Tawi-Tawi na may pamagat na Manis ma Pikilan (Beauty in My Mind) (2018), sinuri at ipinaliwanag ko kung papaaanong ang imperyo ay patuloy na nakikipagtalasatasan sa animo’y nagbabagong panahunan ng pangnagdaan, pangkasalukuyan, at panghinaharap.