SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Epektibong Paggamit ng Digitized Lesson sa Filipino Tungo sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Grade 12 Senior High School

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

AIRENE B. NOPAL



ABSTRACT

—— Ang integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ay nangangahulugang di lamang pagtuturo ng batayang kasanayan sa kompyuter at mga software program. Ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga proyekto habang ekwip ng mga kagamitang panteknolohiya ay nagpapahintulot sa mga mag-aaral na maging intellectually challenged; sa pamamagitan ng mga proyektong ito, natatamo at napapadali ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa pagsusuri, paglutas ng suliranin habang sila ay gumagawa nang indibidwal at pangkatan upang saliksikin, iproseso at pagsama-samahin ang mga impormasyong nakita nila sa internet. Dahil dito, ang mananaliksik ay nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ang pag-aaral na ito upang suriin ang pagiging epektibo ng digitized lesson tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa grade 12 Senior High School sa Filipino. Ang researcher-made na pagsusulit sa Filipino sa ikalawang quarter gamit ang mga kasanayan na makikita sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng asignaturang Filipino para sa grade 12 ang ginamit upang masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral bago at matapos gamitin ang digitized lesson. Simple percentage at t-test of mean difference ang ginamit na statistical treatment of data. Ang kasalukuyang pananaliksik ay nagpahayag ng makabuluhang pagkakaiba sa resulta ng mga mag-aaral sa Grade 12 Senior High School bago at pagkatapos ng paggamit ng digitized lessons sa Filipino. Ang resulta ng pananaliksik ay nagpapahiwatig ng epektibong interbensyon dahil ang mga mag-aaral sa Grade 12 Senior High School ay nagamit ang Information and Communication Technology (ICT) ng paaralan at ang kanilang kagustuhang matuto ng mga aralin sa Filipino ay pinalakas kaya’t nagtagumpay sila sa kanilang ninanais na learning outcome. Dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya ng pagtuturo, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng lakas at kasanayan para mapaunlad ang kanilang kakayahang matupad ang minimithi ng Kagawaran ng Edukasyon para sa bagong henerasyon at maipakita ang kanilang seryosong pag-aaral. Ang paggamit ng ICT sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay isang penomena at tampukan ng mga pananaliksik upang mapaunlad ang kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Kaya naging matagumpay ang pananaliksik na ito batay sa resulta ng pag-aaral. Hinihikayat ng tagapanaliksik ang agarang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at ang pag-integrate ng digitized activities na Gawain ng mga mag-aaral. Keywords — Epektibong Paggamit, Digitized Lesson, Filipino, Pagkatuto, Mag-aaral sa Grade 12 Senior High School