SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

HEADLINES MATTER: ISANG DISKURSONG PAGSUSURI SA MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA ULO NG MGA BALITA SA PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

MARIEL M. ACOSTA, MAEd VICENTE A. PINES, PhD RAYMUND M. PASION, PhD



ABSTRACT

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagsusuri ng mga tayutay sa ulo ng mga balita sa pamahayagang pangkampus ng pansekundaryang paaralan, Sangay ng Lungsod ng Tagum, Davao del Norte. Layunin ng pag-aaral na mahimay at masuri ang mga tayutay na ginamit sa ulo ng mga balita sa pamahayagang pangkampus gamit ang teorya ni Kennedy (1979). Gayundin ang pagsusuri gamit ng ulo ng balita ayon sa balangkas na iminungkahi ni Fairclough (1992). Kwalitatibo at palarawan na pamamaraan ang ginamit sa paglalahad ng pananaliksik. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga tayutay na ginamit sa ulo ng mga balita sa pamahayagang pangkampus ay nahati sa tatlong kategorya: (a) komparatib; (b) kontradiktib; at (c) korelatib. Ang komparatib ay kinapalooban ng metapora, personipikasyon, at simile. Samantala, ang kontradiktib ay binuo ng pagmamalabis at pag-uyam. Ang korelatib naman ay kakikitaan ng pagpapalittawag, pagpapalit-saklaw, elipsis, simbolismo, at alusyon. Natuklasan din sa pag-aaral na ginamit ang ulo ng balita bilang tuwirang pahayag, konotasyon, at denotasyon. Maituturing na tuwirang pahayag ang ulo ng balita kapag ito ay may istrukturang S-V-O. Ginamit naman ang ulo ng balita bilang konotasyon sa pamamagitan ng simbolismong paghahambing. Gayunman, ang ulo ng balita bilang denotasyon ay ginamitan ng mga salitang may literal na kahulugan. Makikita sa resulta ng pag-aaral na ang mga tayutay ay ginamit sa maraming paraan. Nagagamit ito sa dyornalistik na pagsulat tulad ng balita bukod sa malikhaing pagsulat. Epektibo ring ginamit ang tayutay sa pag-uulo ng balita dahil ito ay may impak sa atensyon at damdamin ng mga mambabasa. Pinapalawak ng tayutay ang abilidad ng mga mambabasa sa paglalarawan ng balita. Sa kabuoan, ang wastong paggamit ng tayutay sa ulo ng balita ay naghuhudyat ng pagiging epektibo at makabuluhan ng mga balita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Mga Susing Salita – headlines matter, diskursong pagsusuri, tayutay, ulo ng mga balita, pamahayagang pangkampus