ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
— Ang pag-aaral na ito ay sinuri ang epektibidad ng pagtuturo na nakabatay sa pagkakaiba-iba sa pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino sa Baitang 10 sa Alangalang National High School sa Dibisyon ng Leyte. Ang mga resulta ng pag-aaral ay naging batayan para sa isang plano ng pagpapabuti. Para sa pag-aaral na “Epektibidad ng Pagtuturo na Nakabatay sa Pagkakaiba-iba sa Pagganap ng mga Mag-aaral sa Filipino sa Baitang 10,” ang pinakamainam na disenyo ng pananaliksik ay isang true-experimental design. Ang disenyo na ito ay naging angkop dahil nagbigay ito ng pagkakataon na ihambing ang mga mag-aaral na gumamit ng mga kontekstwal na pamamaraan ng pagtuturo laban sa mga mag-aaral na sumunod sa tradisyonal na mga estratehiya sa pagtuturo. Sa disenyo ng true-experimental, pinili ang dalawang grupo ng mga mag-aaral mula sa parehong paaralan. Isang grupo ang gumamit ng mga kontekstwal na materyales sa kanilang pag-aaral, habang ang isa naman ay nanatili sa karaniwang paraan ng pagtuturo. Sa pamamagitan nito, nakita ng mga mananaliksik kung paano nakakaapekto ang mga kontekstwal na pamamaraan sa pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang ganitong disenyo ay nagbigay-daan din upang masuri ang mga pagbabago sa antas ng pagunawa at interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang pagsusuri sa pagkakaiba ng mga post-test scores ng mga mag-aaral mula sa control group at experimental group sa Filipino. Layunin ng pagsusuri na ito na alamin kung may makabuluhang pagbabago sa mga marka ng mga mag-aaral matapos gamitin ang mga estratehiya sa kontekstuwal na pagkatuto sa experimental group, at kung ang mga mag-aaral sa control group na sumusunod sa tradisyonal na paraan ng pagtuturo ay nakaranas ng katulad na pagbabago sa kanilang mga marka. Ang pagsusuri ay isinagawa gamit ang t-value upang matukoy ang epekto ng kontekstuwal na pagkatuto, at ipinakita nito na may makabuluhang pagkakaiba sa mga post-test scores ng dalawang grupo. Sa pagsusuri ng mga resulta, ang mga mag-aaral sa experimental group na gumamit ng mga kontekstuwalisadong estratehiya sa pagtuturo ay nagpakita ng mataas na pagpapabuti sa kanilang pagganap, na may mataas na pagtaas sa kanilang mga marka. Samantalang ang mga mag-aaral sa control group, na gumamit ng tradisyonal na paraan ng pagtuturo, ay nagkaroon din ng kaunting pagtaas ngunit hindi kasing taas ng mga mag-aaral sa experimental group. Ang mga resultang ito ay nagpapahiwatig na ang paggamit ng mga kontekstuwal na pamamaraan sa pagtuturo ay may positibong epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral, partikular sa pagpapalawak ng kanilang kasanayan sa Filipino. Ang kontekstwal na estratehiya ay nakakatulong upang maging mas interesado at aktibo ang mga mag-aaral, na nagreresulta sa mas mataas na pag-unawa at aplikasyon ng mga konsepto sa Filipino. Keywords — Epektibidad Pagkakaiba sa Pagganap Filipino Baitang 10