ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Nilakbay ang ganda ng panitikan ng Nueva Caceres sa pamamagitan ng pagsusuri ng awit at chant na umiiral sa mga festival ng mga distrito nito. Kalahok ang mga eksperto at mga mamamayang nakaalam sa mga kinaugalian ng bayan gayundin ang dulog na arkiteposa isang kuwalitatibong pag-aaral ay nabatid na may pagkakapareho ang mga piniling festival na sinasalamin ang kultura ng pamayanan. Nasuri sa festival na Lagaylay at Ilaw sa Dagat gamit ang simbolismo ang napapaloob na ugnayan ng liwanag at kaligtasan. Sa kabailang dako, mababatid ang papel ng isang babae: ang kaniyang kalakasan at punto ng kabinian sa festival ng Sta. Clara at Tinagba. At sa festival naman ng Tumatarok at Ilaw sa Dagat, nasuri ang malalim na kahalagahan ng kaisipan ng paglalakbay at tagumpay ng bayan. Upang mapahalagahan ang mga natuklasang ito, inilapat ito sa isang Big Book na magiging daan upang makarating sa mga kabataan ang mayamang kultura ng Nueva Caceres.