SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Dayorama Bilang Modelong Kagamitang Pampagtuturo At Pamgpakatuto Sa Maikling Kwento

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Lourdes S. Bascuña. PhD, DMindEd, DPed



ABSTRACT

Isa sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral ang kagamitang-panturo ng mga guro. Bunsod nang hindi pa ganap na gumagamit ang lahat ng teknolohiya sa bansa, mayroon paring mga paaralan na malayo sa sibilisasyon at batid nating walang gaanong ginagamit na kagamitang ang mga guro sa pagtalakay ng panitikan partikular na ang maikling kwento. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang una malaman ang iba pang gamit ng dayorama sa pagtuturo ng panitikan. Pangalawa ay malaman ang kabisaan ng dayorama sa pagtuturo at pagkatuto at pangatlo ay malaman ang gawain na maipanukala ang paggamit ng dayorama sa pagtuturo ng panitikan. Matapos na makapagpakitang-turo ang mga mananaliksik gamit ang dayorama na inobserbahan ng gurong-respondente ang pagpapakitang-turo gamit ang evaluation sheet na inihanda ng mga mananaliksik at nagbigay ng assessment sa mag-aaral upang sukatin at alamin ang antas ng pagkatuto nito. Natukoy ng mga mananaliksik ang pagkakaiba sa antas ng pagkatuto ng mag-aaral, gamit ang t-test ay sinukat kung may pagkakaiba nga ba sa antas ng pagkatuto ng mag-aaral.
Lumabas sa resulta ng mga mananaliksik na isang epektibong kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto ang dayorama sa pagtalakay ng maikling kwento. Isang mabisang kagamitan na maaaring gamitin hindi lamang sa pagtalakay ng maikling kwento bagkus ay ng iba pang anyo ng panitikan tulad ng epiko, alamat at nobela. Natukoy ng mga mananaliksik na isang mabisang kagamitan ang dayorama sapagkat ang kagamitang ito ay nakatulong ng husto sa pagkuha ng interes at atensyon ng mag-aaral upang makinig.