SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Online na Pagtuturo ng Mga Guro sa Arellano University-Main: Isang Palarawang Pagsusuri

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Michael Cabanday Cariaga



ABSTRACT

Upang maging makabuluhan pa rin ang pag-aaral kahit na distance learning ang pangunahing pamamaraan ng pagtuturo, dapat na magkaroon pa rin ang guro ng epektibong pamamaraan sa pagtuturo, batay kay Cordova (2020). Ang pagkakaroon nito ay nakabase sa epektibong ugnayan ng mag-aaral at ng guro gamit ang komunikasyon. Kaya naman isinagawa ang pananaliksik na ito na naglalayong; una, matukoy ang mga estratehiyang pangkomunikasyon na karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa kanilang persepsyon sa online na pagtuturo; ikalawa, mailarawan ang pagkakaiba ng mga estratehiyang pangkomunikasyon sa online na pagtuturo ng mga guro ayon sa salik na kinabibilangang departamento at ikatlo, malaman ang mga online teaching platforms na ginagamit ng mga guro sa pagsasagawa nila ng kanilang mga estratehiyang pangkomunikasyon sa online na pagtuturo.Sa pamamagitan ng teknik na random sampling, napili ang mga respondente sa antas elementarya, sekondarya at kolehiyo; kung saan ipinasagot sa kanila gamit ang Google Form ang talatanungan na dumaan sa balidasyon. Matapos matuos ang datos gamit ang ang pagkuha ng mean, pagraranggo; limang eskalang batayan at ang F-Test /Post Hoc Analysis, natuklasang ginagamit ng guro nang malimit ang lahat ng siyam na pangunahing estratehiyang pangkomunikasyon sa online na pagtuturo. Natukoy din na pawang makabuluhan ang pagkakaiba ng mga estratehiyang pangkomunikasyon sa online na pagtuturo ng mga guro ayon sa salik na kinabibilangang departamento. Batay din sa resulta, ang Learning Management System (LMS) at Messenger App ay ang dalawang pangunahing ginagamit ng mga guro sa pagsasagawa ng kanilang mga estratehiyang pangkomunikasyon sa online na pagtuturo. Dahil dito, itinatagubilin ng mga mananaliksik na gamitin ang siyam na pangunahing estratehiya sa online na pagtuturo sa halos lahat ng pagkakataon (palagi) at hindi malimit lamang, dahil batay sa mga pag-aaral ang siyam na pangunahing estratehiya ay higit na nakatutulong sa maraming guro upang maging epektibo ang pagtuturo kahit na online ang tanging pamamaraan. Iminumungkahi rin ang pagsasagawa ng kaparehong pag-aaral gamit ang metodo na obserbasyon.