ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Iminungkahi ng pag-aaral na ito ang mga inobatibong gawain na magagamit sa pagtuturo sa asignaturang pananaliksik. Ang disenyong deskriptib ang ginamit sa pagsagawa ng pag-aaral na ito upang mailarawan ang tinutukoy na salik ng mga suliranin. Ginamit sa pamamaraang ito ang likert scale survey questionnaire na masusing sinuri ng dalubhasa sa asignatura. Ang mga respondante binubuo tatlumpung (30) guro na nagtuturo ng pananaliksik sa Mother High Schools sa Dibisyon ng Pangasinan II. Sa kabuoang katanggapan ng mga respondanteng guro sa Mga Inobatibong Gawain sa Pagtuturo ng Pananaliksik, lumabas na ito ay may kabuoang 4.49 na weighted mean mula sa limang krayterya at ito ay nangangahulugang mataas na pagtanggap. Ang mga nabuong inobatibong gawain ay nakabatay sa curriculum guide ng asignaturang komunikasyon at pananaliksik sa senior high school. Lumabas sa resulta na ito ay malaking tulong sa mga mag-aaral at mga guro upang magkaroon ng makabuluhang pagtuturo at pagkatuto sa pananaliksik. Nakatutulong ang mga inobatibong Gawain na ito na mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasanayan at kakayahan na kinakailangan sa ika 21 siglo.