SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Pananaw Ng Guro Sa Epekto Ng Implementasyon Ng Mother Tongue Based-Multi-Lingual Education (MTB-MLE) Sa Pagkatuto Ng Mag-Aaral

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Lourdes S. Bascuña, PhD



ABSTRACT

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Pananaw ng Guro sa Epekto ng Implementasyon ng MTB-MLE sa Pagkatuto ng Magaaral”. Ang MTB-MLE ay Sec. 5 Curriculum Development sa R.A. 10533 na naglalayong gamitin ang Mother Tongue bilang wika mula kinder hanggang ikatlong baitang. Isinama ito sa bagong kurikulum upang matutong magbasa nang may pang-unawa at maintindihan ng mabuti ang itinuturo sa kanilang unang taon ng pag-aaral. Naniniwala ang DepEd na ang paggamit ng Mother Tongue sa unang taon ng edukasyon ay makatutulong sa mas epektibo at mas mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang layunin nito ay matukoy at malaman ang epekto ng paggamit ng MTB-MLE bilang midyum sa pagtuturo ng mga mag-aaral.
Kumuha ng animapong respondenteng guro ng primarya hanggang ikatlong baiting mula sa mga paaralan ng Ocampo. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa paraang disenyong comparativ deskriptib. Gumawa ng isang talatanungan para sa mga respondente at ang mga nakalap na datos ay binilang at pinag-isa.
Lumalabas sa nakalap na datos, 55% ng populasyon ang sumasang-ayon sa implementasyon. Sa kabilang banda, 45% naman ay hindi sumasang-ayon. Sa kabuuan, mas maraming guro sa primarya hanggang sa ikatlong baiting ang sumasang-ayon sa implementasyon. Sa kabuuang konklusyon sa kabila ng mga negatibong epekto ng MTB-MLE ay nangibabaw pa rin ang mga positibong epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.