ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang masuri ang librong “Habang Wala Pa sila”
ni Juan Miguel Severo. Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibong pag-aaral na may
paglalarawan, pagtatala, pagsusuri at pagbibigay interpretasyon sa kasalukuyang kalikasan o
proseso.
Batay sa mga natuklasan nabuo ang mga sumusunod na konluksyon nakita ng mananaliksik na
ang mga tula ay kinapapalooban ng mga leksiyon sa buhay katulad ng tungkol sa pag-ibig na
sadyang kapupulutan ng aral. Mayroon ding magagandang layunin ang mga tula. Nais ng may
akda na mabasa, malaman, kapulutan ng aral at isabuhay ang kanyang mga naging karanasan
upang magkaroon ng kaalaman ang mga mambabasa. Samu’t-saring emosyon o damdamin din
ang mapapansin sa mga tula. Mayroong masaya, malungkot, galit at naiinis. Pagdating naman sa
mga katangian ng Teoryang Romantisismo pinakang gamitin ang kahandaang magmahal sa
babae/lalaki na nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian. Samantalang ang mga
sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw na makikita sa mga tula ay akmang-akma sa
kasalukuyang nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
Matapos malagom ang lahat nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon para sa mga kabataang
milenyal iminumungkahing sumulat pa sila ng iba’t ibang Spoken Word poetry upang mahasa ang
kanilang mga natatagong talento. Sa mga guro ng wikang Filipino at panitikan iminumungkahi na
maging bukas sa mga makabagong paraan ng paglikha ng tula. Sa mga mananaliksik na gumagawa
ng pag-aaral at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, iminumungkahi na ipagpatuloy ang mga
pag-aaral at pagsusuri na ginagawa upang makalikha ng maraming kaugnay na pag-aaral. Sa mga
lokal ng pamahalaan at iba pang tagapagtaguyod ng Wikang Filipino iminumungkahi na
ipagpatuloy ang mga gawaing nauugnay sa pagpapayaman ng wikang pambansa. Ang panghuli ay
para sa mga mananaliksik, iminumungkahi na ipagpatuloy ang ginagawang pananaliksik upang
makatulong sa pagyabong ng kaalaman ng mga amg-aaral at ng mga taong nais magkaroon ng
malalim na kaalaman tungkol sa Spoken Word Poetry.