SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Pagkatuto Ng Mga Mag-Aaral Na Kankanaey Ng Wikang Filipino Bilang Pangalawang Wika

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Dominga S. Tomas, Joshua Payangdo, & Emmalyn Sagayo



ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga pananaw ng mag-aaral na Kankanaey sa wikang Filipino bilang wikang panturo. Nakapokus din ito sa pagtukoy ng mga salik na nakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Kankanaey ng wikang Filipino bilang pangalawang wika at ang epekto ng mga salik na ito sa kanilang pagkatuto Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Banao National High School at ang mga kalahok ay nasa ika-sampung baitang.
Ginamit ang pamaraang kuwalitatibo at disenyong ang basic qualitative. Nakalap ang mga datos mula sa mga partisipant sa pamamagitan ng talatanungan Batay sa mga tugon ng mga kalahok, malaki ang ginagampanan ng wikang Filipino sa kanilang buhay bilang mag-aaral dahil mas madali nilang maintindihan ang kanilang paksa kapag ipinapaliwanag ang kanilang guro ang mga ito gamit ang wikang Filipino. Angkop na gamitin bilang wikang panturo at instrumento sa pagpapaliwanag ng mga konseptong mahirap nilang maintindihan. Natuklasan din ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng wikang Filipino tulad ng talasalitaan, wastong gamit ng mga salita at pagbigkas. Ang mga salik na iyan ay lumabas na may epekto sa kanilang pag-aaral dahil nawawala ang kanilang tiwala sa sarili at sila ay nanghihiram ng mga talasalitaan sa ibang wika gaya ng wikang Ingles.
Batay sa mga natuklasan sa pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon: nakatutulong ang wikang Filipino sa pag-unawa sa paksa at sa pagpapaliwanag ng mga malalalim na konsepto ngunit naksasagabal sa kanilang pagkatuto kakulangan sa kaalaman sa talasalitaan, wastong gamit ng salita at pagbigkas. Nawawalan sila ng kompiyansa sa pakikipagkomunikasyon, pasulat man o pasalita, at ito ang nagtutulak sa kanila na magpalit –coda o magcode-switch.