SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Konotatibong Kahulugan Ng Ilang Mga Awitin Ni Regine Velasquez: Isang Pagsusuri

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Marilyn C. Arbes, PhD & Raymund M. Pasion, PhD



ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa konotatibong kahulugan na makikita sa mga awit ni Regine Velasquez. Layunin ng papel na ipaliwanag ang mga konotatibong kahulugan at matukoy ang uri ng konotatibong kahulugan ng ilang mga salita at parirala sa mga awit ni Regine Velasquez. Nakabatay ang pananaliksik sa mga teorya nina Leech (1981), Kreidler (1998) at Parera (2004), na nakapokus sa konotatibong kahulugan ng mga salita. Kwalitatibo at palarawan na pamamaraan ang ginamit sa paglalahad ng pananaliksik. Nabigyan ng positibo, negatibo at neyutral na kahulugan ang mga salita at parirala batay sa inihahayag nitong damdamin. May mga salitang nagpapahayag ng kaaya-aya o magandang damdamin kaya ito nagkaroon ng positibong kahulugan. Ang mga salita at pariralang nagtataglay ng hindi kaaya-aya o nakakatakot na damdamin ay nabigyan ng negatibong kahulugan, habang ang mga salita o pariralang naghatid ng karaniwang damdamin ay nabigyan ng neyutral na kahulugan. Ang datos ay kinuha sa ilang mga piling awit sa pamamagitan ng pag-download nito mula sa websites. Ito ay sinuri at napag-alaman na ang ilang mga salita at parirala sa awit ay nagtataglay ng konotatibong kahulugan. Makikita sa resulta ng pag-aaral na hindi lahat ng mga salitang may konotatibong kahulugan ay nagtataglay ng mga positibo, negatibo at neyutral na konotasyon.