SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Modelong Panatayang Estruktural Sa Pagkatuto Ng Wikang Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Noemi M. Bernaldez. PhD



ABSTRACT

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang pinakaangkop na modelo sa Pagkatuto ng Wikang Filipino. Bilang katiyakan, kinilala nito ang ugnayan sa pagitan ng exogenous na mga baryabols: oryentasyon sa estilo ng pagkatuto, kaligirang pampagkatuto, at ang pagganyak ng mga mag-aaral samantalang ang endogenous baryabol ay ang pagkatuto sa wikang Filipino. Ang disenyong deskriptibong korelasyunal at SEM na teknik ang ginamit sa pag- aaral upang makakuha ng pinakaangkop na modelo sa pagkatuto ng wikang Filipino. Ginamit ang sample random sampling na tutukoy sa bilang ng mga mag- aaral bawat kampus. Ang mga datos ay hinango mula sa mahigit na apat na raang mga mag-aaral ng Senior High School na nasa strand na GAS at HUMSS na nag-aaral sa siyam na pinunong paaralan bawat klaster sa pampublikong paaralan ng Davao City. Gumamit ng talatanungang sarbey sa pagkalap ng mga datos. Inilahad sa resulta na ang antas ng oryentasyon sa estilo ng pagkatuto, kaligirang pampagkatuto, pagganyak ng mga mag-aaral, at pagkatuto ng wikang Filipino ay nasa mataas na antas. Batay sa mga resulta, malinaw na ipinaliwanag ng exogenous na baryabol na oryentasyon sa estilo ng pagkatuto at kaligirang pampagkatuto ng mga mag-aaral bilang prediktor sa pagkatuto ng wikang Filipino na makikita sa ikalimang modelo na naging pinakaangkop na modelo sa pananaliksik.