ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Layunin ng pag-aaral na mabatid ang epekto ng implementasyon ng CHED Memo
Order No. 20 s. 2013 o ang “General Education Curriculum Holistic Understandings, Intellectual
and Civic Competencies” sa mga guro at mga mag-aaral ng Jose Rizal Memorial State University,
Dipolog Campus, Dipolog City.
Ginamit sa pag-aaaral ang kwantitatib-deskriptib-ebalwatib na pamamaraan, isang proseso na
naglalayon sa pagtipon, pagsuri, pag-uri at pagsukat ng mga datos tungkol sa kasalukuyang
kondisyon, gawain, paniniwala at proseso, at pagbibigay ng angkop at tamang interpretasyon na
ginagamitan ng mga pantulong na istatistikal na pamamaraan.
Natuklasan na positibo ang epekto ng implementasyon ng programa sa proseso ng pagtuturopagkatuto ng mga respondente. Lubos silang sumasang-ayon na naimumulat ng mga guro ang mga
mag-aaral sa kahalagahan ng isang intelektwalisadong wikang Filipino, natutulungan na yakapin
ang sariling wika bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa lahat ng pagkakataon at sa
anumang sitwasyon, at nalilinang ng guro ang kanilang kakayahang pangwika. Ang mga magaaral ay lubos na sumasang-ayon na napauunlad nito ang kanilang isipan at pagkatao, nakatutulong
ang mga kaalaman at kasanayang matatamo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Lubos na sumasang-ayon na ang nasabing programa ng CHED ay lilinang ng intelektwal na
kompetensi, personal at pansibiko na responsibilidad, at praktikal na kasanayan. Sa kabuuan, ang
lubos na pagsang-ayon ng mga respondente ay nangahulugang ang estado ng implementasyon ng
nasabing programa ng CHED sa lugar ng pananaliksik ay napatunayang lubos na naiimplementa.
Iminumungkahi na mas palawakin pa ang disiminasyon ng CHED ukol sa kanilang mga programa
upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga guro, mga mag-aaral at mamamayang Filipino
at upang maiwasan ang mga negatibong reaksyon at hindi pagkakaunawaan. Mas paigtingin pa
ang kalidad ng pagtuturo ng mga gurong nagtuturo ng mga asignaturang Filipino at mas ihanda
sila sa anumang mga pagbabago upang makaagapay sa ninanais na pagsulong tungo sa
globalisasyon. Sa pagsulong tungo sa globalisasyon, hindi kailangang alisin o tanggalin ang
pagpapagamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo kaya, iminumungkahi na
magsagawa ang mga State Colleges at Universities ng malawakang pagpaplano para ito ay
mapanatili at hindi maalis sa hinaharap. Upang makasabay at hindi mapag-iiwanan ang wikang
Filipino sa mabilis na pagbabago ng daigdig dulot ng globalisasyon, tulungan ang KWF sa
kanilang adhikain sa pagsusulong ng intelektwalisadong wikang Filipino.