ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay limiin ang mga datos ng mga magaaral sa Jose Rizal Memorial State University, Dipolog Kampus tungkol sa Integrasyon ng
Multimedya: Batayan sa Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Makrong Pangkomunikasyo . Ang pag
–aaral na ito ay ginawa sa taong panuruan, 2017-2018. Ginamit ang talatanungan o questionnaire
na binigay sa ilang mag-aaral sa Jose Rizal Memorial State University, Dipolog Kampus sa mga
nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ginamit ang Percentage Computation upang matukoy ang
demograpikong profayl ng mga respondente, weighted mean naman ang gamit upang matukoy ang
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa makrong kasanayan na gamit ang teknolohiya at ang
Chi Square Test ay ginamit sa pagtukoy ng kaugnayan ng demograpikong profayl.
Natuklasan na ang laptop ang pangunahing kasangkapan na ginamit ng guro at mag-aaral sa
paglinang ng kasanayan at kakayahan sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto sa mga makrong
kasanayang pangkomunikasyon dahil ito rin ang kasangkapan na taglay ng halos lahat ng guro at
mag-aaral. Napatunayan na talagang labis na sumasang-ayon ang mga respondente na epektibo
ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo sapagkat mas nakatutulong ito sa
paghahatid ng mga impormasyon at mas napapadali ang pagpapalawak ng kaalaman.