ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral ng Titay National High School sa pagbabaybay ng mga salita sa wikang Filipino. Sa pag-analisa ng datos, gumamit ng t-Test: Two-Sample Assuming Equal Variances at Ang One way analysis of Variance (ANOVA). Pagkatapos ay binigyan ito ng deskriptibong interpretasyon. Natuklasan na ang Mga salitang hiram na nagsisimula sa letrang “S” at Mga salita na may klaster ay mahusay ang mga mag-aaral sa pagbabaybay. Samantala ayon sa Digrapong “ct”, ang “ct” ay nagiging “K” kapag binaybay sa Filipino ay di-gaanong mahusay ang pagbabaybay. Batay sa natuklasan, walang makabuluhang pagkakaiba ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabaybay kung iuugnay ito sa demograpikong profayl ayon sa kasarian ngunit magkaiba ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabaybay kung iuugnay sa demograpikong propayl ayon sa edad. Nangangahulugan na hindi lahat na magkasing edad ay pareho ang kanilang lebel ng kasanayan sa pag-iisip. Ibig sabihin ay walang sinumang magkapareho ang pag-iisip ng bawat tao. Talagang magkaiba ito sapagkat ang pagkatuto ay nakasalalay sa tao kung paano siya matuto. Bagamat marami ang napapabilang sa kategoryang mahusay, hindi ito nangangahulugan ng pagbalewala sa wastong pagbabaybay ng mga salita. Dagdag pa, kakitaan ang mga mag-aaral ng kahinaan sa mga pagbaybaybay sa Digrapong “ct”, ang “ct” ay nagiging “K” kapag binaybay sa Filipino. Kaya, ang mananaliksik ay bubuo ng isang modyul bilang interbensyon sa pananaliksik at upang magamit ng mga guro bilang gabay sa kanilang pagtuturo.