SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Varyasiyong Leksikal ng mga Salitang de Gulong ng Zamboanga del Norte

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Gemma S. Orosca



ABSTRACT

Ang pag – aaraal na ito ay may layuning matasa ang varayti at varyasyon ng mga salitang de gulong sa Wikang Cebuano . Mapalawak ang gamit nito at maipreserba ang minanang salita mula sa magigiting na mga drayber mula sa lungsod Dapitan at munisipalidad ng Siayan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte. Inilahad sa pamamagitan ng kwalitatibong palarawang pagsisiyasat ang estado ng mga aytem leksikal sa pagtukoy ng klasipikasyon at pagpapakahulugan ng mga salitang de gulong na nilapatan ng mga panlapi upang masuri ang kilos ng pandiwa. Convenience sampling naman ang ginamit sa pagpili ng mga impormante upang magkaroon ng kapamigatan ang mga datos. Pakikipanayam at Focus Group Discussion ang ginamit sa pagkuha ng mga datos. Natuklasan na mayaman sa talasalitaan ang mga dakilang drayber na itinuring na mga salitang de gulong na nagsisislbing behikulo sa kanilang pakikipagtalastasan. Napag – alaman na may pagbabagong morpoponemiko na nagaganap ang istrukturang panlinggwistika sa aspeto ng morpolohiya kung susuriin ayon sa aspekto ng pandiwa. Dahil sa dinamiko ang wika, may mga salitang naging register sa kanila at nagsisilbing tatak ng kanilang pagkakakilanlan patuloy ng pagsulpot ng mga bagong salita dala na rin sa implwensiya ng ibang pangkat etniko. Mula sa mga natuklasan, ang mananaliksik ay naniniwala na ang kaligtasan at preserbasyon ng salitang de gulong ay nakasalalay sa dami ng gumagamit ng wika at sa pagpaparami ng mga dokumentasyon ng wikang katutubo.