ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
—— — Ang papel na ginagampanan ng YouTube sa pagkatuto ay mahalaga dahil nakasalalay dito ang paglinang sa kaalaman, kasanayan at pag-unawa ng isang mag-aaral batay sa paksang kaniyang pinag-aaralan. Nilalayon ng pag-aaral na ito na alamin ang epektibong gamit ng YouTube sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa gramatika, bokabularyo, panitikan, wika at komunikasyon at komprehensyon sa pakikinig sa Surigao del Norte State University na may 100 na mga respondente na mula sa unang taon hanggang sa ikaapat na taon na mga mag-aaral ng BSED-Filipino na may kaukulang bilang na mga respondente gamit ang simple random sampling. Descriptive analysis ang ginamit ng mga mananaliksik upang makuha ang datos at resulta ng pananaliksik. Batay sa natuklasan at resulta ng pananaliksik na ito ay masasabing lubos na sumasang-ayon ang mga respondente na epektibo talagang gamitin ang YouTube sa pagkatuto nila ng gramatika gamit ang mga edukasyunal na bidyo na nakapaloob dito. Ganoon din sa bokabularyo, panitikan, wika at komunikasyon at komprehensyon sa pakikinig Batay naman sa 0.05 level of significance, mataas ang p-value na resulta sa propayl ng mga respondente. Ito ay nagpapahayag na walang makabuluhang ugnayan ang epektibong gamit ng YouTube sa pagkatuto batay sa gramatika, panitikan, bokabularyo, wika at komunikasyon at komprehensyon sa pakikinig ng mga mag-aaral ng Surigao del Norte State University sa kanilang propayl baryabol. Ang mga natuklasang ito ay nagpapakita na ang paggamit ng YouTube ay epektibo bilang dagdag na tulong sa mga mag-aaral upang matuto. Ang paggamit ng website na ito bilang dagdag na kagamitan sa pagkatuto ay nagbibigay tulong sa mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa gramatika, bokabularyo, panitikan, wika at komunikasyon, at komprehensiyon sa pakikinig. Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga guro ang integrasyon ng YouTube sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng mga edukasyonal na bidyo mula sa mapagkakatiwalaang mga channel bilang bahagi ng kurikulum at bilang dagdag sa kagamitan ng pagpaplano sa pangaraw-araw na pagtuturo. Para sa mga mag-aaral naman, ang pagiging aktibo nito sa paggamit ng YouTube sa pag-aaral upang mapabuti ang kanilang kasanayan batay sa limang pokus. Keywords — YouTube, Paggamit, Pagkatuto, Epektibo, Edukasyon, Gramatika, Bokabularyo, Wika, Panitikan, at Komprehensyon