ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
—— Ang pagsusuri ng Pasalitang literatura ng Clavernon sa Claver, Surigao Del Norte: Mga Kuwentong Bayan ay naglalayong maunawaan ang kultural na ugnayan ng sampung barangay sa Claver. Sa pamamagitan ng malalim na pag-aaral at pagsasaliksik, natuklasan ang mga aral, tema, at simbolismo na matatagpuan sa mga kuwentong-bayan. Ang pagsusuring ito ay nagpapakita ng mga tema tulad ng kabaitan at pagbabago, pag-unlad, pagkakamali at pagkakataon, pagpapahalaga sa tunay na kagandahan ng buhay, at pagpupunyagi at pagtitiyaga sa harap ng mga hamon ng buhay. Kasama rin sa pagsusuri ang ugnayan ng bawat komunidad sa kalikasan at mga supernatural na puwersa. Natuklasan na ipinapakita ng mga kwentong bayan ito ang mga aral na dapat matutunan at hindi dapat kalimutan ng mga tao. Ang simbolismo, sa kabilang banda, ay ginagamit upang magpahayag ng mga kahulugan at mensahe na higit pa sa literal na kahulugan ng kwento. Sa kabuuan, ang pagsusuring ito ay nagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa Pasalitang Literatura ng Clavernon sa Claver. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng mga kuwentong-bayan bilang mga salamin ng kultura at tradisyon ng mga komunidad at ang kultural na ugnayan na bumubuo sa mga ito. Ang mga natuklasan na ito ay naglalayong makapagbigay ng kamalayan at pagpapahalaga sa kasaysayan, mga aral, tema, at simbolismo sa mga kuwentongbayan ng mga lokal na barangay sa Clavernon. Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng kwalitatibong uri ng pananaliksik at paggamit rin ng disenyong paglalarawan o descriptive design kung saan nangalap ng mga kwentong-bayan mula sa interbyu. Ang mga tagatugon sa pag-aaral ay mga mamamayan sa anim na barangay ng lungsod ng Claver, ang Tayaga/lawihon, Cabugo, Daywan, Ladgaron, Magallanes, at Bagakay. Samakatuwid, ang pagpili ng kalahok sa taga-tugon ay naaayon sa kanilang oras kung kailan sila malayang makipanayam. Ang kwentong bayan naman na nakalap mula sa mga interbyu ay sinuri batay sa balyus o aral, tema, simbolismo, at ugnayang kultural. Sa pamamagitan ng ganitong disenyo, mas malawak na maipapahayag at maanalisa ang mga kwentong-bayan na makuha at mas malawak na maipahayag ang mga sinuring kwentong-bayan. Keywords — Pagsusuri, Pasalitang Literatura, Clavernon, Kuwentong-Bayan, Kultural Na Ugnayan, Barangay, Aral, Tema, At Simbolismo