ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
Pangunahing layunin ng pag-aaral sa Dokumentaryong Pagsusuri ng mga Maikling
Kuwento sa bayan ng Nabua. Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod: 1) Ano-ano ang
mga natatanging maikling kuwento sa isang bayan ng Nabua? 2)Ano-ano ang mga kultural na
dimensiyon na masasalamin sa iba’t – ibang maikling kuwento sa bayan ng Nabua sa lalawigan
ng Camarines Sur. Batay sa: (a. Tradisyon, b. Relihiyon, c. Pamumuhay, at d. Kaugalian). 3) Anoano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapanatili ng kaalaman hinggil sa Maikling Kuwento?
4) Ano ang maipapanukala na makapagpapaunlad ng maikling kuwento batay sa kinalabasan ng
pag-aaral?
Sa pananaliksik na ito, maingat na gumamit ng paraang (Micro-etnograpikong pag-aaral) ang
mananaliksik. Ito ang panlipunang pag-iimbestiga at pagtuklas sa mga panlipunang konteksto na
ipinapakita ang pagpapahalaga sa wika, kultura, tradisyon at sa panitikan. Ginawa ang
pakikisalamuha, pakikipanayam at pag-oobserba sa lugar upang edokumento ang mahahalagang
datos na may kaugnayan sa pag-aaral na ito. Naghanda ang mananaliksik ng mga talatanungan
upang maging gabay at suporta sa dapat na sagutin ng mga respondente.
Natuklasan na mayroong mga tagong yamang panitikan maikling kuwento na sumasalamin sa
kultural na dimensyon. Nangibabaw sa mga kuwento na sumasalamin sa kultural tulad ng
kuwentong katatakotan, pakikisalamuha, pananamapalataya, ugali, disiplina, at ang simpleng
pamumuhay noon. Nagsilbi rin itong repleksyon at daluyan ng masining na imahinasyon ng bawat
indibidwal batay sa realidad na nagaganap sa kanyang lipunan o batay sa kanyang karanasan. Higit
na kinakailangan na mapreserba at mapahalagahan ang mga natatanging panitikan ng
pagkakakilanlan upang magamit at malaman pa ito ng mga susunod na henerasyon. Kaugnay na
rin dito ang ilang mga salik na natuklasan na maaaring nakakaapekto sa pagpapanatili ng mga
maikling kuwento.
Sa kabuoan, makabuluhan ang pag-aaral dahil bawat mamamayan muling binalikan ang lokal na
maikling kuwento mula sa nakaraan na kapupulotan ng aral at magagamit ng susunod na
henerasyon. Nilikom ng mananaliksik upang magsilbing kagamitan at pumukaw sa interes ng mga
mambabasa. Maging karagdagan sa kagamitang pampagtuturo ng mga guro. Mababanaag ninyo
ang pagtalunton mula sa nakaraan at mabigyan ng panibagong kaalaman tungkol sa maikling
kuwento na sumasalamin sa kultural na dimensyong tradisyon, relihiyon, pamumuhay at
kaugalian.