SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Ang Katutubong Palagatu Ng Iloilo: Isang Pagsusuri

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

ROMEO T. ESPEDION, JR., PhD



ABSTRACT

—— Abstract — Isa sa namumukod na panitikan ng Rehiyon VI ay ang mga kaalamang-bayan na kasasalaminan ng kultura, paniniwala, kaugalian at mga pagpapahalagang Bisaya. Layunin ng pagaaral na ito na suriin ang konteskto ng mga palagatu sa pagtuturo ng MTB-MLE sa Iloilo sa Baitang 1, 2, at 3. Nilayon din na masuri ang konteksto ng mga katutubong palagatu upang matukoy ang mga napapaloob na pagpapahalaga (values), kondisyon ng buhay, isyung panlipunan na masasalamin, ideolohiya at pananampalataya at pamamahala at pulitika ng mga llonganon. Ginamit ang talatanungan sa paglikom ng mga datos na kailangan sa pag- aaral. Ginamit ang Grounded Theory na isang disiplina sa ilalim ng kwalitatibong pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay isa ring Exploratory Material-Production Evaluation dahil nakabuo ng isang kagamitang pampagtuturo para sa MTB-MLE. Lumabas sa pagsusuri na ang nangingibabaw na katangian sa palagatu ay pagpapahalaga sa buhay at pamumuhay. kondisyon at kalagayan sa buhay at pamumuhay, pananampalataya at mga paniniwala, pamahalalaan at mga isyung panlipunan. Mga Susing-Salita — Pagsusuri, Palagatu, Iloilo, Mungkahing Disenyo