ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
— Abstract — Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Etnolinggwistikong Pagtingin sa Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon ng mga Taobuid Mangyan. Naglalayon itong malaman, maipabatid at maipakita ang dahilan ng paglalakbay ng mga katutubo, ang uri ng transportasyon ng mga Katutubong Taobuid noon at ngayon, ang karanasan ng mga katutubo sa paggamit ng makabagong uri ng transportasyon, mabatid ang paraan at dahilan ng pakikipagkomunikasyon ng mga Katutubong Taobuid. ang karanasan ng mga katutubo sa paggamit makabagong uri ng komunikasyon, ang posibleng epekto ng makabagong transportasyon at komunikasyon sa kaalaman ng mga katutubong Taobuid, ang pamamaraan na ginagamit ng mga katutubong Taobuid para makaagapay sa makabagong pamamaraan ng transportan at komunikasyon. Ang pag-aaral ay gumamit ng kwalitatibong uri ng pananaliksik. Layunin nito na malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay nito. Ang mga kalahok ay pinili sa paraang Purposive Sampling. Pakikipanayam sa mga katutubong Taobuid gamit ang semi-structured interview guide, pagmamasid o obserbasyon at focus group discussion ginamit sa mga kalahok sa pagkalap ng mga datos. Ang mga kalahok ay binubuo ng 15 katutubong Taobuid. Sa pagsusuri at balidasyon ng kawastuhan ng ng mga datos, gagamitin ang dulog na linyar at hirarkikal ni Creswell (2009). Napag-alaman ng mananaliksik na ang dahilan ng paglalakbay ng mga Katutubong Taobuid ay dahil sa kabuhayan. Ang pinakaunang uri ng transportasyon ng mga Katutubong Taobuid noon ay paglalakad ng lumaon ay gumamit na sila ng dyip bilang makabagong uri ng transportasyon. Lumalabas naman sa mga nakalap na datos na nilalayuan pa rin ng mga Tagalog (Seganon) ang mga katutubo patunay na patuloy pa rin ang diskriminasyon sa kanila. Ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ng mga Katutubong Taobuid ay pasigaw. Ang pangangailangan naman ang pinakadahilan ng pakikipagkomunikasyon ng mga katutubo. Nakaranas ng hirap sa una ang mga Katutubong Taobuid paggamit ng makabagong uri ng Komunikasyon. Ang epekto ng makabagong komunikasyon ay nawiwili ang mga katutubo sa paggamit ng cellphone at napapadali naman ang pagdala ng produkto dahil sa mga modernong sasakyan na siyang epekto ng makabagong transportasyon sa mga katutubo. Nagbebenta sila ng kanilang mga produkto at naglilinis na sila ng kanilang mga katawan upang maiwasan na ang diskriminasyon sa kanila bilang pamamaraan na ginagamit ng mga Katutubong Taobuid para makaagapay sa makabagong Pamamaraan ng Transportasyon at Komunikasyon. Keywords — Mangyan, Transportasyon, Komunikasyon, Etnolinggwistik, Taobuid