ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
—— Abstract — Nilayon ng pag-aaral na ito na matukoy at masuri ang mga simbolong ginamit sa mga kartung editoryal sa mga SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang mga katanungang sinagot sa pag-aaral ay (1) Ano-ano ang mga simbolo na ginamit sa mga kartung editoryal sa mga SONA ni Pangulong Duterte? (2) Ano-ano ang mga denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga simbolong nakapaloob sa mga kartung editoryal patungkol sa mga SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ginamit sa pag-aaral ang disenyong kwalitatibo sa paraang deskriptibo. Tinukoy ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga simbolo na makikita sa ginamit na mga kartung editoryal batay sa ayos ng pagpapakahulugan ni Barthes (1957) na denotatibo at konotatibo. Ang mga kartung editoryal na sinuri na may kabuuang bilang na labing-apat (14) batay sa purposive-convenient sampling na paraan ng pagpili na nagmula sa opisyal na website ng mga pahayagang Philippine Daily Inquirer at The Philippine Star mula taong 2016 hanggang 2020 na nailathala sa loob ng isang linggo pagkatapos maisagawa ang mga taunang SONA. Natuklasan na ang mga sign na ginamit sa mga kartung editoryal ay mga uri ng hayop at iba’t ibang bagay. Napag-alamang may mga denotatibo at konotatibong kahulugan ang mga sign na ginamit sa mga karting editoryal. Susing Salita — Simbolo, Konotasyon at Denotasyong Kahulugan, Kartung Editoryal, Duterte, Pahayagan