SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Morpolohikal na Pagsusuri ng mga Salitang Surigaonon-Cantilan sa Surigao del Sur

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

ANNIE Y. SAMARCA, PhD, MARIA LADY SOL A. SUAZO, PhD



ABSTRACT

— Abstract — Ang pag-aaral na ito ay nagsusuri ng morpolohiya ng mga salitang SurigaononCantilan sa Surigao del Sur. Nilapatan ito ng disenyong deskriptibong kwalitatibo. Nakuha ang mga datos mula sa panayam sa walong impormante na lehitimong mamamayan sa mga bayan ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen at Lanuza na naging saklaw ng pag-aaral. At mula naman ang pangalawang datos sa “The Dialect of Cantilan” ni Ong (2005) na nakasulat sa wikang Cantilangnon. Sinuri nito ang mga katangian at kaligiran ng bawat kayarian ng mga salitang Surigaonon Cantilangnon. Natukoy ang katangiang paglalapi, inuulit, tambalan at ang pagbabagong morpoponemiko ng mga salitang Surigaonon-Cantilan. Natuklasan din na may tatlong uri ng paglalapi ang pinag-aralang wika: panlaping makangalan, panlaping makadiwa at panlaping makauri. Mayroon itong 24 panlaping makadiwa, ang mga panlaping me-, mo-, no-, ma-, na-, nag-, mag-, ming-, mang-, nang-, min-, man-, nan-, maka-, naka-, tag-,-an, -on, -han, – hon, tag-+-an, tag-+-han, tag-+-hon at -e/-a. Mayroon din itong siyam na mga panlaping makauri: –on/-hon, ha-, ka-, ma-, maka-, taga- at kena- + –an/-han at walong panlaping makangalan, ang mga panlaping ka-, pa- ,pag-m, pagka-, teg-, -an + –han, -an- +–an at -en- +–an/-han. Natukoy rin ang dalawang uri ng pag-uulit at dalawang uri ng kayariang tambalan. Mga susing salita: — Estruktura Ng Salita, Paglalapi, Pag-Uulit, Pagtatambal, SurigaononCantilangnon