SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Pag-Uugnay Ng Iba’t Ibang Bahagi Ng Pananalita Ng Surigaonon-Cantilan Sa Pagbuo Ng Parirala At Pangungusap

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

ANNIE Y. SAMARCA, PhD



ABSTRACT

—— Abstract — Naglalarawan at nagsusuri ang pag-aaral na ito sa mga gamit ng mga bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pagbuo ng mga pangungusap ng wikaing Surigaonon-Cantilan sa Surigao del Sur. Nilapatan ito ng disenyong deskriptibong kwalitatibo. Nakuha ang mga datos mula sa panayam sa mga impormante na lehitimong mamamayan sa mga bayan ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen at Lanuz. Ginamit din ang ‘The Dialect of Cantilan’ ni Ong (2004) bilang pangalawang datos. Sinuri at inilalarawan ang bawat bahagi ng pananalita. Natukoy ang dalawang malawak na uri: ang pangnilalaman at pangkayarian. Nakapaloob sa pangnilalaman ang mga nominal, pandiwa at mga panuri. Itinuturing na pangkayarian ang mga bahaging pang-ugnay at ang mga pananda. Sa bahaging nominal, natukoy ang mga uri ng pangngalan ayon sa konsepto, kayarian, kasarian, katangian at kailanan. Gayundin ang iba’t ibang uri ng panghalip: ang panghalip panao, panghalip pamatlig at panghalip na pananong. Nalaman din sa pag-aaral ang mga pandiwa ng salitang Cantilangnun na nauri sa tatlong aspekto: ang perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Sa bahagi ng pang-uri, natukoy ang mga pang-uring pamilang dulot ng panlaping ikinakabit sa salita at ang pag-uulit nito. Natuklasan din ang mga pananda ng wikang Cantilangnun sa bahaging pangkayarian. Mayroon itong pangatnig at pang-angkop na ginagamit kahit ang salitang pinag-uugnay ay nagtatapos sa patinig o katinig. Batay sa isinagawang paglalarawan, lubhang mahalaga ang mga bahagi ng pananalita sa pagbuo ng mga pangungusap sa wikang Cantilangnun. Ang mga bahaging pangnilalaman ay ginagamit bilang simuno o panaguri ng pangungusap. Pinag-uugnay naman ito ng mga salitang pangkayarian upang lalong malinaw ang kaisipan nais ipahiwatig ng pangungusap. Mga susing salita — Bahagi Ng Pananalita, Pangnilalaman, Pangkayarian, Deskriptibong Kwalitatibo, Pilipinas