ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
— Napakahalaga ang kahandaan ng mga guro hindi lamang sa pagtuturo maging ang kahandaan sa paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo na pupukaw sa atensyon ng mga magaaral. Ang mga kagamitang pampagtuturong ito ang siyang tulay sa mabisang pagtuturo ng mga guro sa paaralan. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pamamaraang deskriptibong uri pananaliksik sa kwantitibong pamamaraan sa mga umiiral na kaganapan sa kasalukuyang panahon patungkol sa pagtuturo. Ito ang naaayon na disenyo ng pag-aaral dahil ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay pagbuo at balidasyon ng bidyu aralin. Gumamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos sa pananaliksik na ito. Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga dalubguro sa asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Umingan, Pangasinan sila ang napiling respondante dahil sila ang may kaalaman sa pasusuri ng mga kagamitan sa pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na bumuo at mabigyan ng balidasyon ang mga bidyu aralin sa Filipino 7 sa mga pangunahing sekundaryang pampublikong paaralan sa bayan ng Umingan. Lumabas sa pag-aaral na mayroong pitong paksa sa unang markahan ng Filipino 7 na ginawan ng bidyu aralin Bilang bahagi ng pag-aaral, lumabas na ang lahat ng antas ng balidasyon ng bidyu aralin sa Filipino 7 sa kategoryang Layunin, Nilalaman at awain o Pagtataya ay nakakuha ng pinakamatataas na deskriptibong katumabas ito ay ang mga Lubos na Nakamit, Lubos na Naaayon, Lubos na Sumasang-ayon. Ipinapakita nito na ang Balidasyon sa bidyu aralin sa Filipino 7 ay higit na katanggap-tanggap ang mga nagamit na layunin, nilalaman at gawain/pagtataya. Kung saan ang antas ng balisayon ng bidyu aralin ay katanggap-tanggap. Nangangahulugan lamang ito na ang mga bidyu araling nabuo ay epektibong gamitin sa pangaraw-araw na talakayan. Samantala ang antas sa pagtanggap ng bidyu aralin sa Filipino 7 sa kategoryang Kakayahang Mabasa, Kakayahang Magamit at Kaangkupan naman ay nakakuha din ng pinakamatataaas na deskriptibong katumbas at ito ay ang mga Lubos na Nababasa, Lubos na Ginagamit at Lubos na Naaangkop. Indikasyon lamang nito na ang mga Antas sa Pagtanggap ng Bidyu Aralin sa Filipino 7 ay higit na katanggap-tanggap para magamit. Isinasaad nito na ang nabuong bidyu aralin ay naaangkop upang gamitin sa talakayan sa silid-aralan.