ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
— Nilayon ng pag-aaral na lumikom ng kwentong bayan ng mga Blaan sa Brgy. Pisan, Kabacan, North Cotabato at taluntunin ang kanilang materyal na kultura. Sa pagbibigay katuparan sa layunin, nasagot ang tanong na (1) Ano-ano ang materyal na kultura na masasalamin sa Kwentong Bayan ng Blaan? Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga Kwentong Bayan na kasasalaminan ng materyal na kultura ng mga Blaan na nakatira sa Brgy. Pisan,Kabakan,Cotabato. Kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral at sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng deskriptibong pamaraan partikular ang kontent analisis. Pamaraang indihenus o pangkatutubo ang pamaraang ginamit. Natuklasan sa pag-aaral na masasalamin sa Kwentong Bayan ang mga materyal na kultura ng Blaan na katulad ng kanilang mga kasuotan na nagsisilbing kanilang pagkakakilanlan maging ang instrumentong agong na kanilang ginagamit sa iba’t ibang pagdiriwang. Mga Susing Salita — Blaan, Materyal na Kultura, Kwentong Bayan, Kultura