SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

To ‘Mgo ‘Yagong ‘Likat Di’yàt Kina’iyahan: (Mga Tinig Mula Sa Kalikasan) Pagpapanatili Ng Magandang Kalikasan Ng Mga Manobo Sa Loreto, Agusan Del Sur, Mindanao

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

DIDITH P. BROWN, PhD



ABSTRACT

— Abstrak — Nilayon ng papel-panana-liksik na ito na lumikom at sumuri ng mga pasalitang panitikang pangkalikasan ng mga Manobo sa Loreto, Agusan del Sur, Mindanao, gamit ang lente ng ekokritisismo upang matukoy ang mga pangyayaring nagsasaad ng patuluyang pagpapanatili ng magandang kalikasan. Disenyong kwalitatibo ang ginamit. Metodong indehinus at deskriptibong pamaraan naman sa paglikom, pag-interbyu, pagsiyasat at pag-analisa ng datos. Ang mga impormante ay napili sa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snowball sampling. Natuklasan na may labing apat (14) na pasalitang panitikan mula sa lawampu’t walong (28) nalikom na kuwentong bayan ang nakitaan na pagpapanatili ng kalikasan ng mga Manobo sa Loreto. Mula sa dinalumat na mga anyo ng kalikasan gamit ang to ‘mgo ‘yagong ‘likat di’yàt kina’iyahan o mga tinig sa kalikasan, natuklasan na sa bawat anyo ay may natatanging kakanyahan sa pagiingat ng kalikasan sa pamamagitan ng tagakuwento upang turuan ang mga kabataan na mahalin ang kanilang namanang magandang kalikasan. Mga Susing-Salita — Manobo, Kuwentong-Bayan, Ekokritisismo, Pagpapanatili