SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Kakayahang Panggramatika sa Filipino ng mga Magaaral sa Pagsulat ng Sanaysay: Tungo sa Pagbuo ng Sanayang Aklat

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

Nerissa N. Behhay Hilda N. Immangdul Felisa M. Aniceto Carlos G. Longgat Jr May Grace O. Ongan



ABSTRACT

— Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aanalisa ng kakayahang gramatika sa pagsulat sa Filipino. Ginamit ang mixed method sa pag-aaral upang alamin ang lebel ng kakayahang panggamatika ng mga respondente sa pagsulat ng sanaysay, gamit ang parehong kwantitatibo at kwalitatibong pananaliksik para sa mas komprehensibong pangangalap ng datos. Bukod dito, ginamitan din ng content analysis at sequencial explanatory na pamamaraan upang masuri at maipaliwanag nang mas malinaw ang mga datos na nakalap mula sa mga respondente na nagsilbing batayan sa pagbuo ng isang kagamitang pampagtuturo sa Filipino na makatutulong sa kaalamang panggramatika. Isinagawa ito sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Ifugao State University, Potia Campus, Alfonso Lista, Ifugao na may siyamnaput’ anim na mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education medyor sa Filipino. Batay sa resulta, ang kakayahan ng mga mag-aaral sa gramatika ay nasa katamtamang antas, maliban lamang sa paggamit ng mga bantas na nakitang mahusay. Sa kabila ng kahinaan o pagkalito sa pagsulat ng sanaysay, ipinakita sa pakikipanayam na naging maparaan at nagsusumikap na malampassan ang pagkalito o kahinaan sa gramatika. Kahit ganun, ang kanilang determinasyon ang nagbigay inspirasyon para higit nilang pagtuunan ng pansin ang mga hamon sa pagsulat ng sanaysay, na naglalayong mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa gramatika.