ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
—— Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang epekto ng estratehiyang e-learning sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Baitang 9 ng Dipolog City National High School (Barra), Taong Panuruan 2022-2023. Ginamit ng mananaliksik ang kwantitatibong desinyo ng pag-aaral sa pamamagitan ng quasi-experimental na pamamaraan. Ang mananaliksik ay gumamit ng dalawang grupo: 45 na respondente mula sa kontrolado at 45 na respondente sa eksperimental na grupo. Ginamit ang talatanungan upang masuri ang pre-test at post-test na kasanayan ng mga mag-aaral sa dalawang grupo, kung saan hard copy para sa kontroladong pangkat at Google Form sa eksperimental na pangkat. Ang mga kagamitang pang-estadistikang ginamit ay ang Arithmetic Mean, Z-test at T-test. Natuklasan sa pag-aaral na ang antas ng epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral na nasa kontroladong pangkat ay nasa di-gaanong kasiya-siya habang sa eksperimental na pangkat ay may deskripsyon na lubhang kasiya-siya. Ito ay nangangahulugan na ang paggamit ng estratehiyang e-learning sa pagtuturo ay may malaking impluwensiya sa akademikong performans ng mga mag-aaral at nakatutulong na maiangat ang kalidad ng edukasyon tungo sa pagkamit ng mga mag-aaral ng ika-21 siglong mga kasanayan. Iminungkahi ng mananaliksik na gamitin ang mga makabagong estratehiya gaya ng e-learning sa paglinang ng iba’t ibang disiplina tungo sa komprehensibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Keywords — Akademikong performans, e-learning,estratehiya, ika-21 siglong kasanayan, komprehensibong pagkatuto