ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
——Nakapokus ang pag-aaral sa mga mungkahing kagamitang pampagtuturo na maaaring gamitin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino alinsunod sa datos na makalap mula sa mga respondente. Isinagawa ito sa paraang quantitative-developmental na pananaliksik na nakabase sa pamaraang paglinang ng kagamitan ni Tomlinson (2020). Kasangkot sa pag-aaral ang limang guro sa Filipino at walumpu’t apat na mga estudyante ng Bachelor of Secondary Education sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Ifugao State Univerisity, Potia Campus. Ginamit ang frequency at weighted mean upang makuha ang ranggo at antas ng pagtanggap ng mga guro. Mula sa nakalap na datos, lumabas sa pag-aaral na nangunguna ang sanayang aklat, teksbuk at elektronikong kagamitan na kung saan nakabatay sa kakayahan at kahinaang pangliteratura ng mga estudyante sa asignaturang Filipino, nabuo ang sanayang aklat na may pamagat na panunuring pampanitikan, isang medyor sabjek sa Filipino. Ang nabuong kagamitang panturo batay sa ebalwasyon ng mga tagatasa ay lubos na katanggap-tanggap sa mga guro na pinatunayan ng kabuoang mean na 4.9. Upang lubos na matulungan ang mga estudyante, saklaw nito ng iba’t ibang kasanayang angkop sa kanilang kakayahan lalo na sa mga gawain o pagsasanay na maaaring sagutin at isasagawa upang makamit ang layunin ng nasabing aralin. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ang pagpapagamit (pilot testing) sa nabuong sanayang aklat sa mga estudyante upang malaman ang kabisaan nito sa pagtuturo-pagkatuto. Keywords — Kagamitang pampagtuturo elektronikong kagamitan, mungkahing kagamitan, pagtuturo, sanayang aklat, teksbuk