SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Paghahambing sa Morpoponemiko ng WikangTuwali ng Ifugao at Wikang Filipino Tungo Sa Pagbuo ng Sanayang-Aklat sa Wika

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

HILDA N. IMMANGDUL FELISA M. ANICETO NERISSA N. BEHHAY



ABSTRACT

——Ang pag-aaral na ito ay palarawang pananaliksik tungkol paghahambing sa pagbabagong morpoponemiko ng wikang katutubong Tuwali at wikang Filipino.Layunin ng pagaaral na maihambing ang mga pagbabagong morpoponemiko ng wikang Tuwali at wikang Filipino at masuri ang proseso ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Tuwali ng Ifugao at wikang Filipino. Gumamit ang mga mananaliksik ng di-binalangkas na panayam para sa pagkuha ng mga datos mula sa mga piling matatandang taal na Ifugao na maalam sa wikang tuwali, at ang propesyon ay idinagdag ng mga mananaliksik sa pagpili bilang tagatugon dahil ang mga gurong naging tagatugon ay bihasa sa wikang Filipino at maalam sa wikang Tuwali para sa matalinong pagbalido sa datos na kinalap.Inilahad sa resulta mula sa suring ginawa sa mga pagbabagong morpoponemiko, nakita sa pagsuri sa wikang Tuwali ay asimilasyon , pagkakaltas o reduksyon , metatesis o pagpapalit-posisyon, pagpapalit ponema, pagpapalit-diin at pag-aangkop. Sa proseso ng pagbabagong morpoponemiko base sa resulta ay may mga uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Filipino ang katulad sa pagbabagong morpoponemiko sa wikang Tuwali gaya ng asimilasyon, pagkakaltas, metatesis o pagpapalit-posisyon,pagpapalit ponema, paglilipat-diin at pag- aangkop. Ang resulta ng pananaliksik ay binigyang linaw sa ginawang aklat-sanayan pangwika. Keywords — Pagbabagong Morpoponemiko, Katutubong Wika, Wikang Filipino,Wikang Tuwali