SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Pagsusuri sa Metodong Online sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa IFSU

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

FELISA M. ANICETO HILDA N. IMMANGDUL NERISSA N. BEHHAY MAY GRACE O. ONGAN



ABSTRACT

——LAYUNIN. Ang layunin ng pag-aaral ay ipakita ang kaisipan ng mga guro maging ang mga mag-aaral sa kabisaan sa pagtamo ng pagkatuto gamit ang mga metodong online at social midya. Sinuri rin ang mga salik sa pagkatuto gamit ang metodong online at kung may pagkakaiba sa persepsiyon ng guro at mag-aaral sa kabisaan at salik sa pagkatuto sa paggamit ng metodong online. Ang kabisaan nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay siyang magpapatibay sa kabisaan ng paggamit o nangangailangan ng pagsasaayos upang matamo ang maayos at mataas na antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral at ang kalidad ng paggamit ng online platforms na ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto sa paaralan. DISENYO/METODO. Ang disenyong deskriptibong kwalitatibo ang ginamit sa pag-aaral. Ang datos at impormasyon ay kinuha sa pamamagitan ng sarbey kwestyuner. Ang mean ang ginamit sa lebel ng kabisaan sa metodong online at salik sa pagkatuto sa paggamit ng mga metodong online ng mga mag-aaral at guro. Sa pagkakaiba sa persepsiyon ng mga guro at mag-aaral sa kabisaan at salik ng meodong online ay ang t-test ang ginamit para makuka ang pagkakaiba. FINDINGS. Ang mga tugon ng guro at mag-aaral ay makikita na kahit anong metodo ang gamitin ay may mga nararanasan pa ring salik o probleama lalo na sa paggamit ng online learning mode at ang pinaka problema sa lahat ay ang mahinang internet at ang mga ito ay nagiging sagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral at nagiging problema rin ito ng mga guro dahil hindi nila maibahagi ang kanilang aralin para sa mga mag-aaral. Kung kaya’t mahalagang tugunan ang mga problemang ito upang masiguradong naiibibigay ang epektibong edukasyon sa mga mag-aaral. LIMITASYON NG PANANALIKSIK/IMPLIKASYON. Ang naging respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga guro na may bilang na dalawampu’t lima (25) na nagtuturo ng Filipino at mga mag-aaral na may bilang isang daan walumpo (180) na kumukuha ng mga general education na asignatura sa Ifugao State University. Keywords — Metodong online, Plataporma, Kabisaan, Persepsiyon, Salik, Pagtuturo, Pagkatuto