ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
——Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng kakayahang panggramatika ng mga magaaral partikular sa mga uri ng pangngalan at pandiwa ng mga mag-aaral. Nakapokus din ito sa pagtukoy sa mga kahinaan ng mga mag-aaral sa gramatika. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Benguet State University at ang mga kalahok ay kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino na nasa unang taon. Ang pinaghalong kwantitatibong at kwalitatibong pamamaraan partikular sa convergent parallel design ang ginamit ng mananaliksik upang masuri ang mga kinakailangang na impormasyon na may kaugnayan sa datos. Batay sa lumabas na antas ng kakayahang panggramatika ng mga magaaral sa sa iba’t ibang uri ng pangngalan: batay sa konsepto at kaukulan ay nasa antas na mababa, samantalang batay sa kayarian ay nasa antas na mataas. Pagdating naman sa pandiwa, sa aspekto ay nasa antas na napakataas. Sa pokus at kaganapan, pareho na nasa antas na mababa. Ang mga kahinaan ng mga mag-aaral na natukoy sa pangngalan ay ang pag-unawa sa mga ng pangngalan, ang posisyon ng pangngalan, ang paggamit ng pangngalan sa pangungusap, at ang mga alituntunin sa paggamit ng malaking titik at maliit na titik. Sa pandiwa naman ay lumabas naman ang kahinaan ng mga mga mag-aaral sa ugnayan ng pandiwa sa paksa at panaguri at kalituhan sa gamit ng mga pandiwa. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral masasabing ang mga mag-aaral ay may kahinaan sa mga uri ng pangngalan ayon sa konsepto at kaukulan at sa pokus at kaganapan ng pandiwa. Iminumungkahi na bigyang-pansin ang mga natukoy na kahinaan ng mga mag-aaral sa gramatika lalo na sa pandiwa at pangngalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming pagsasanay sa gramatika at pag-aralan ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga iba pang bahagi ng panalita. Keywords — Kakayahang panggramatika, ,Gramatikang Filipino, Pangngalan, Pandiwa