SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Pamamaraang Paggamit Sa Mga Salitang Balbal Ng Mga Kabataang Gen Z: Isang Elektronikong Pagsusuri

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

REYMUND JOE M. NOGUERRA DENZEL MARK A. CIRUELA MARK JOHN L. BENITEZ MAELAH JEAN E. BUO JAY LORD C. ESCOBAL



ABSTRACT

——Sa patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay patuloy rin ang pag-usbong ng mga bagong salita na nabuo sa iba’t ibang pamamaraan ng pagbabalbal na ginagamit ng mga kabataan sa iba’t ibang plataporma ng sosyal medya partikular na sa Facebook. Isang elektronikong pagsusuri ang pantulong upang masuri at masipat ang iba’t ibang pamamaraan na ginagamit ng mga kabataang Gen Z sa pagbuo ng mga salita sa Facebook. Ang layunin ng pagaaral na ito ay malaman kung ano ang pinakagamiting pamamaraan sa pagbuo ng mga salitang balbal na ginagamit sa Facebook ng mga kabataang Gen Z. Ang nasabing pag-aaral ay ginamitan ng Content Analysis sa pagsusuri ng mga nalikom na salita mula sa status at komento sa Facebook. Convenient Sampling naman ang ginamit ng mga mananaliksik kung saan ay pinili nila ang mga respondente na mas madadalian sila sa paghahanap sa oras ng pangangalap ng datos. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpu’t lima (35) mula sa 25% ng mga mag-aaral sa SNSU na kumukuha ng mayoryang Filipino. Sinuri ang mga salitang nakalap sa Facebook sa pamamagitan ng Frequency at Percentage count upang mabatid ang bilang at bahagdan ng propayl at pamamaraan na gamitin ng mga tagatugon. Ang lumabas na resulta ay mas gamitin ang pamamaraang Gay Lingua na may 47 mula sa 175 na mga salita sa status at pamamaraang Pagkakaltas naman na may 49 mula sa 175 na mga salita sa komento. Lumitaw rin na ang pinakagamiting bahagi ng pananalita sa pagbuo ng mga salitang balbal sa Facebook ay Pang-uri at Panghalip. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na patuloy na pag-aralan ang iba’t ibang pamamaraan sa pagbuo ng mga salita sa Facebook dahil patuloy na umuunlad ang teknolohiya at maging ang ating mga pamumuhay. May mga wikang napaglilipasan ng panahon at may mga wikang sumisibol at naipapakilala sa pagsilang ng bagong henerasyon. Keywords — Makabagong Teknolohiya, Bagong Salita, Pagbabalbal, Kabataan, Plataporma, Sosyal Midya, Facebook, Elektronikong Pagsusuri, Pamamaraan, Gen Z, Salitang Balbal, Content Analysis, Frequency, Bahagdan, Pang-Uri