SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Kahandaan, Isyu, at mga Suliranin sa Pagsasagawa ng Pananaliksik Pangklasrum ng mga Guro

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

JESSEL A. LAURENTE



ABSTRACT

— Ang aksiyong pananaliksik bilang isang paraan ng pag-aaral ay may malaking potensyal upang mapahusay ang kasanayan sa pagtuturo at propesyunal na pag-unlad ng gurong nagsasanay (Mertler, 2019; Salbx et al., 2020). Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng aksiyong pananaliksik, ang mga gurong nagsasanay ay magkakaroon ng pagkakataong malinang ang malalim na pag-unawa sa kanilang mga tungkulin bilang mga tagapagturo na magreresulta sa pagtuklas ng kanilang pagkakakilanlan bilang isang guro (Dikilitaş & Comoglu, 2022). Bagamat isinusulong ng bawat paaralan na ang mga guro ay hinihikayat na gumawa ng mga pananaliksik pangklasrum, karamihan pa din ay isinasawalang-bahala lang ang tugon ng departamento. Kaya nga, ito ang naging gabay ng mananaliksik upang buuin ang thesis na ito upang malaman ang kaugnayan ng kahandaan ng mga guro at ang kanilang mga isyu at suliranin tungkol sa pagsasagawa ng mga pananaliksik pangklasrum. Dahil sa resulta ng pag-aaral na ito, mairerekomenda ng tagasulat ang mga hakbang upang mapadali sa mga guro ang pagsagawa ng mga pananaliksik pangklasrum. Ang mananaliksik ay gagamit ng sarbey kwestyuner na ginamit ni Inciso (2023) sa kanyang pananaliksik na “Pasubaybay na Pagtuturo sa mga Gurong Nagsasanay sa Pagsasagawa ng Classroom-Based Action Research”. Batay sa resulta ng pagaaral, matuklasan na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kahandaan ng mga guro at ng kanilang mga isyu at suliranin sa pagsasagawa ng pananaliksik pangklasrum. Ang mataas na r-value ay nagpapahiwatig na habang tumataas ang kahandaan ng mga guro sa pananaliksik, lumilitaw rin ang mas maraming suliraning kanilang kinakaharap. Ito ay maaaring nangangahulugan na ang mga mas handang guro sa pananaliksik ay mas mulat sa mga hamon at limitasyong kaakibat nito. Kaya nga, lumilitaw na walang sapat na kakayahang ito ay makita ang pagpasok ng pagbabago mula sa klasrum. Malaking pangangailangan ito ng ganap na pagtugon sa suporta, madaling programa, at mas mahigit na kapakipakinabang na sistema para tulungan ang mga guro sa pagkatatag ng epektibong pananaliksik. Keywords — Kahandaan, Isyu, Suliranin, Pananaliksik Pangklasrum, Guro